- Kakailanganin mong magsumite ng digital na larawan upang mag-aplay para sa Dublin Port Access Control Card
- Makikita ang mga Panuntunan sa Larawan sa dublinport.ie/photo-guidelines-filipino
Upang mag-aplay online nang may digital na ID na may larawan:
- Gumamit ng device gaya ng smartphone, iPad, digital camera o computer.
- Kailangan mo ng tulong ng isang tao para makuha ang larawan.
- Hindi pinahihintulutan ang mga selfie o “mga larawan ng mga larawan”.
- Huwag gagamitin ang zoom function sa digital camera o smartphone.
- Ang iyong larawan ay kailangang nakuha sa loob ng nakalipas na 12 buwan.
- Alisin ang anumang suot sa ulo maliban kung isinusuot para sa mga dahilang panrelihiyon.
- Tumayo sa harap ng ganap na simple, mapusyaw na kulay gray, puti o cream na background.
- Siguraduhing balanse ang liwanag at kulay sa iyong larawan.
- Kunin ang larawan sa maliwanag na lugar na may natural na liwanag.
- Siguraduhing malinaw na nakikita ang mga feature ng iyong mukha.
- Puwede kang magsuot ng mga salamin sa mata sa larawan.
- Siguraduhing neutral ang ekspresyon mo, hindi ka nakangiti at sarado ang iyong bibig.
- Kunin ang iyong larawan mula sa ulo hanggang sa kalahati ng iyong katawan, iposisyon ang ulo sa gitna ng larawan.
Ang larawan ay dapat:
- May kulay.
- Hindi pinahihintulutan ang mga digital na pagpapaganda o pagbabago sa larawan.
- Hindi mas malaki kaysa sa 9 megabytes (9MB).
- Hindi mas mababa sa 715 pixels ang lapad at 951 pixels ang taas.
- Nasa orihinal na JPEG format (hindi compressed).
Ang kalidad ng iyong na-upload na larawan ay susurin upang matiyak na natutugunan nito ang mga panuntunan sa itaas. Paliliitin ang iyong larawan sa tamang sukat upang magkasya sa iyong access control card.