Lahat ng Manggagawa sa Port, mga Bisita, Kontratista na nangangailangan ng access sa mga Lugar na Ginagamit ng Marami ay DAPAT kumpletuhin ang Dublin Port Pass
Ipinakilala ng Dublin Port Company (DPC) ang isang mandatoryong kinakailangan sa Kalusugan at Kaligtasan at seguridad na tinatawag na ‘Dublin Port Pass‘ noong 2020.
Isa na ngayong mandatory na kinakailangan para sa lahat ng empleyado ng daungan, nangungupahan, kontratista, mga tauhan ng barko at bisita na nangangailangan ng access sa Common User Area sa Dublin Port (tingnan ang mapa) upang matagumpay na makumpleto ang isang dalawang hakbang na proseso ng induction at access control:
Kung nakatanggap ka ng email tungkol sa pag-renew ng iyong Dublin Port Pass, kailangan mo lang kumpletuhin ang induction (Hakbang 1 sa ibaba).
Unang Hakbang
Matagumpay na kumpletuhin ang kurso sa Dublin Port Pass Induction
Pangalawang Hakbang
Mag-aplay para sa Access Control Card
Ang mga kurso sa induction para sa Dublin Port Pass (DPP) ay itinalaga bilang bahagi ng pangako ng Dublin Port Company para sa kaligtasan. Inaatasan ang mga Gumagamit sa Port na kumpletuhin ang kaukulang modyul ng pagsasanay sa Dublin Port Pass upang ma-access ang mga lugar* sa loob ng Dublin Port na itinalaga bilang hinihigpitan. Sa matagumpay na pagkumpleto sa Dublin Port Pass magiging kwalipikado kang mag-aplay para sa Dublin Port Access Control Card. Sa pamamagitan ng card na ito magkakaroon ka ng access sa mga lugar kung saan ka nakakumpleto ng induction.
Mga Kasalukuyang May Hawak na Access Control Card: Hindi nila kailangang kumpletuhin ang Pangalawang Hakbang at awtomatikong ma-a-update ang kanilang access para sa mga naaangkop na lugar kasunod ng matagumpay na pagkumpleto sa online induction. Nalalapat din ito kung nakatanggap ka ng email tungkol sa pag-renew ng iyong Dublin Port pass – kailangan mo lang kumpletuhin ang induction (Hakbang 1).
Walang babayaran para kumpletuhin ang dalawang-hakbang na prosesong pangkaligtasan at pangseguridad;gayunpaman may sisingilin na €20 para sa kapalit na mga access control card.
Saan ang Lugar na Ginagamit ng Marami?
Ang Lugar na Ginagamit ng Marami ay tumutukoy sa mga sumusunod na lugar sa hilagang bahagi ng Port na mapupuntahan mula sa Alexandra Road;
- Alexandra Quay East – na may tatlong gumaganang berth (mga berth 38, 39 at 40)
- Ocean Pier (Alexandra Basin East) – na may anim na gumaganang multi-purpose na berth (mga berth 32-37) at dalawang gumaganang rampa ng Ro-Ro.
- Alexandra Quay West – na may apat na gumaganang berth (mga berth 28-31) at isang gumaganang rampa ng Ro-Ro
Gayundin, may dalawang gumaganang berth (mga berth 46-47) sa timog na bahagi ng Port na karaniwang tinatawag bilang Coal Quay.
*Pakitandaan:
Pinangangasiwaan ng Dublin Port Company (DPC) ang access sa: No. 1 & 2 Branch Road South at sa Lugar na Ginagamit ng Marami sa South Port
Pinangangasiwaan ng Doyle Shipping Group (DSG) ang access sa: No. 3 & 4 Branch Road South – Alexandra Quay Container Terminal
UNANG HAKBANG: Dublin Port Pass Induction
Ang kurso sa Dublin Port Pass induction ay naka-host sa Flex Manager at magtatagal nang humigit-kumulang 30 minuto para kumpletuhin:
- MAG-CLICK SA MAGREHISTRO NGAYON – Button sa Ibaba
- PILIIN ang lugar sa Dublin Port na kailangan mong i-access*
- KUMPLETUHIN ang proseseo ng pagrerehistro – Pangalan, Email, Telepono
- I-VERIFY ang iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan – mula sa device na may camera hal., webcam, laptop, smart phone, tablet
- PANOORIN ang induction video – alamin ang tungkol sa mga panganib at kinakailangan para sa pangkapaligirang kalusugan, kaligtasan at seguridad
- SAGUTIN 15 ang mga multiple-choice na tanong
- MAKAKUHA ng minimum na iskor na 80% para pumasa
- MAGPATULOY sa Pangalawang Hakbang at mag-aplay para sa bagong access control card
Lahat ng Gumagamit sa Port ay kailangang ulitin ang Dublin Port Pass Induction kada apat na taon. Ito ay mandatoryong kinakailangan upang matiyak na mananatiling pare-pareho at up to date ang mga pamantayan sa pagsasanay sa kaligtasan sa port sa lahat ng may hawak na access card.
KUNIN ANG DUBLIN PORT PASS INDUCTION
PANGALAWANG HAKBANG: APLIKASYON PARA SA ACCESS CONTROL CARD
Sa matagumpay na pagkumpleto sa Unang Hakbang, kwalipikado ang mga Gumagamit sa Port na mag-aplay para sa Access Control Card.
Mga Kasalukuyang May Hawak na Access Control Card: Awtomatikong ma-a-update ang access para sa naaangkop na lugar kapag matagumpay na nakumpleto ang online induction.
Mga Aplikante para sa Bagong Access Card: Mag-aplay para sa Access Control Card para sa lugar na kailangan mong i-access (tingnan ang mapa):
- MAG-CLICK SA MAG-APLAY NGAYON – Button sa Ibaba
- PILIIN ang lugar sa Dublin Port na kailangan mong i-access*
- KUMPLETUHIN ang form ng aplikasyon para sa access control card
- MAG-UPLOAD ng digital na larawan nang sinusunod ang mga panuntunan sa larawan
- ISUMITE ang aplikasyon – Aabisuhan ka sa email kapag handa na ang iyong card
- KOLEKTAHIN ang iyong access control card mula sa naaangkop na kompanya* sa pamamagitan ng pagpapakita ng valid na may larawang ID sa anyo ng valid Pasaporte o Lisensiya sa Pagmamaneho sa Ireland/EU
*Pakitandaan:
Pinangangasiwaan ng Dublin Port Company (DPC) ang access sa: No. 1 & 2 Branch Road South at sa Lugar na Ginagamit ng Marami sa South Port
Pinangangasiwaan ng Doyle Shipping Group (DSG) ang access sa: No. 3 & 4 Branch Road South – Alexandra Quay Container Terminal
SIMULAN ANG APLIKASYON PARA SA ACCESS CONTROL CARD
MGA MAKAKATULONG NA SANGGUNIAN
MGA MADALAS NA ITINATANONG
Anong mga kinakailangan sa pag-access ang nagbabago para sa mga Lugar na Ginagamit ng Marami sa Dublin Port?
Nagpalabas ang Dublin Port Company ng bagong mandatoryong kinakailangan para sa Kalusugan at Kaligtasan at Seguridad na tinatawag na Dublin Port Pass. Kailangang matagumpay na makumpleto ng lahat ng Gumagamit sa Port ang dalawang-hakbang na proseso ng induction at access control upang ma-access ang mga Lugar na Ginagamit ng Marami sa Dublin Port:
Unang Hakbang: Matagumpay na kumpletuhin ang Kurso sa Dublin Port Pass Induction
Pangalawang Hakbang: Mag-aplay para sa Access Control CardKailan ko kailangang kunin ang Dublin Port Pass at Access Control Card?
Kakailanganin mo ng matagumpay na Dublin Port Pass at valid na Access Control Card upang ma-access ang Lugar na Ginagamit ng Marami makalipas ang ika-28 ng Setyembre 2020. Walang mga eksepsiyon. Pagkatapos ng petsa na ito, magpapatupad ang Dublin Port Company at Doyle Shipping Group ng mahigpit na patakarang “WALANG DUBLIN PORT PASS, HINDI PUWEDENG PUMASOK, WALANG MGA EKSEPSIYON” para sa Lugar na Ginagamit ng Marami. Ano ang gagawin ko kung nakatanggap ako ng email tungkol sa pag-renew ng aking Dublin Port Pass
Ulitin lang ang induction, na itinakda sa Hakbang 1 sa itaas.
Kailan magsisimula ang panahon ng pagrerehistro?
Magsisimula ang panahon ng pagrerehistro sa Martes, ika-30 ng Hunyo at magtatapos sa 12:00 pm sa Lunes, ika-28 ng Setyembre 2020. Sa panahong ito, makikipagtulungan ang Dublin Port Company sa mga nangungupahan sa port, mga operator, mga kinatawan at organisasyon sa industriya upang matiyak ang pagkakabatid at pagsunod sa bagong kinakailangan, at pag-alerto sa mga gumagamit sa port at mga bisita na nasa lugar.
Saan ang Lugar na Ginagamit ng Marami?
Ang Lugar na Ginagamit ng Marami ay tumutukoy sa mga sumusunod na lugar sa hilagang bahagi ng Port na mapupuntahan mula sa Alexandra Road;
● Alexandra Quay West – na may apat na gumaganang berth (mga berth 28-31) at isang gumaganang rampa ng Ro-Ro;
● Alexandra Quay East – na may tatlong gumaganang berth (mga berth 38, 39 at 40)
● Ocean Pier (Alexandra Basin East) – na may anim na gumaganang multi-purpose na berth (mga berth 32-37) at dalawang gumaganang rampa ng Ro-Ro.Gayundin, may dalawang gumaganang berth (mga berth 46-47) sa timog na bahagi ng Port na karaniwang tinatawag bilang Coal Quay.
Sino ang namamahala sa access sa iba't ibang pasukan sa Lugar na Ginagamit ng Marami?
Pinangangasiwaan ng Dublin Port Company (DPC) ang access para sa: No. 1 & 2 Branch Road South at sa Lugar na Ginagamit ng Marami sa South Port.
Pinangangasiwaan ng Doyle Shipping Group (DSG) ang access para sa: No. 3 & 4 Branch Road South – Alexandra Quay Container Terminal.Ang ang Kurso sa Dublin Port Pass Induction?
Ang Dublin Port Pass ay isang online na programa ng pagsasanay para sa induction sa Pangkapaligiran, Kalusugan, Kaligtasan at Seguridad, na dinisenyo para sa lahat ng taong nangangailangan ng access o nagtatrabaho sa mga lugar sa loob ng Dublin Port na inilaan bilang hinihigpitan. Magiging mandatoryong kinakailangan na kumpletuhin ang kurso sa Dublin Port induction upang magkaroon ng access sa mga Lugar na Ginagamit ng Marami magmula sa Lunes ika-28 ng Setyembre 2020.
Paano ko malalaman kung kailangan ko ito?
Kung kailangan mo ng access sa Lugar na Ginagamit ng Marami, KAILANGAN mong kumpletuhin ang Dalawang Hakbang na proseso ng kaligtasan at seguridad bago dumating ang araw ng Lunes ika-28 ng Setyembre 2020:
Unang Hakbang: Dublin Port Pass Induction
Pangalawang Hakbang: Aplikasyon para sa Access Control CardKailangan ko ba ang Dublin Port Pass upang ma-access ang mga Ferry Terminal sa Dublin Port?
Sa ngayon hindi ito kailangan upang ma-access ang mga Ferry Terminal sa Dublin Port. Kailangan lamang kumpletuhin ng mga manggagawa sa Port, mga bisita at kontratista ang kurso sa Dublin Port Pass induction at mag-aplay para sa access control card kung kailangan nila ng access sa mga Lugar na Ginagamit ng Marami sa Dublin Port - tingnan ang karagdagang impormasyon tungkol sa kung saan makikita ang mga Lugar na Ginagamit ng Marami sa itaas.
Paano ako magrerehistro para sa Dublin Port Pass Online Induction?
Mag-log on sa www.dublinport.ie/dublinportpass/ at mag-click sa MAGREHISTRO NGAYON.
Ang online na kurso sa Dublin Port Pass induction ay naka-host sa ‘Flex Manager’. Magtatagal nang humigit-kumulang 30-45 minuto para makumpleto ang induction at magbubukas para sa pagrerehistro sa Hunyo 2020. Kailangan mong kumpletuhin ang pagrerehistro, piliin ang pangunahing lugar sa Dublin Port na kailangan mong i-access, i-verify ang iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan at magpatuloy sa kurso sa induction. Pakitandaan na kung kailangan mo ng karagdagang access sa mga iba pang lugar sa loob ng Lugar na Ginagamit ng Marami pakikontak ang Dublin Port Company o ang Doyle Shipping Group.Ano ang kasangkot sa online na kurso sa induction?
Kinakailangan mong manood ng induction video upang matutunan ang tungkol sa kalusugan ng kapaligiran, kaligtasan at mga panganib sa seguridad at mga kinakailangan at pagkatapos ay tumuloy sa pagsagot sa isang set ng 15 multiple choice na tanong, na lahat ay dapat masagot, isang pangkalahatang marka na 80% ay dapat makamit para makapasa sa kurso.
Paano kung makatagpo ako ng mga paghihirap kapag nasa platform ng 'Flex Manager'?
Kung makatagpo ka ng anumang mga teknikal na problema sa pagkumpleto ng iyong online induction, maaari kang mag-email sa: support@cgatechnology.com
Available ang 'Flex Support' mula Lunes hanggang Biyernes 9.00am hanggang 10.00pm.
Ano ang mangyayari kapag pumasa ako sa kursong induction sa ‘Flex Manager’?
Kapag nakapasa ka sa induction course makakatanggap ka ng email confirmation mula sa Flex Manager.
Ano ang mangyayari kung hindi ako makapasa sa online na kurso sa Dublin Port Pass induction?
Kung hindi ka makakamit ng kabuuang marka na 80% ay mabibigo ka sa Dublin Port Pass induction. Maaari mong ulitin ang kurso nang maraming beses hangga't kailangan sa platform ng Flex Manager hanggang sa matagumpay mong makumpleto ang kurso. Inirerekomenda na simulan ang maramihang pagpipiliang mga tanong mula sa simula ng pagbabasa ng mga tanong at mga pagpipilian sa pagsagot nang mabuti.
Sa anong mga wika available ang online na pagsasanay sa induction?
Ang mga kurso sa Dublin Port Pass induction ay kasalukuyang available sa anim na wika; English, Irish, Russian, Polish, Filipino at Romanian.
Paano ako magpapatuloy sa Pangalawang Hakbang at mag-aplay para sa aking Access Control Card sa sandaling makumpleto ko ang Induction?
Kapag matagumpay na nakumpleto ang induction sa ‘Flex Manager’ sasabihan kang bumalik sa www.dublinport.ie/dublinportpass/ kung saan puwede kang magpatuloy sa Pangalawang Hakbang at mag-aplay para sa Access Control Card sa pamamagitan ng pag-click sa MAG-APLAY NGAYON
Paano kung mayroon na akong access card para sa Lugar na Ginagamit ng Marami sa Dublin Port?
Mga Kasalukuyang May Hawak na Card: Hindi nila kailangang kumpletuhin ang Pangalawang Hakbang (Aplikasyon para sa Access Card) at awtomatikong ma-a-update ang kanilang access para sa mga naaangkop na lugar kasunod ng matagumpay na pagkumpleto sa online induction.
Wala akong Access Control Card para sa Lugar na Ginagamit ng Marami. Paano ako mag-aaplay para dito?
Mga Aplikante para sa Bagong Card: Matapos ang matagumpay na pagkumpleto sa Dublin Port Pass Induction, kwalipikado ang mga Gumagamit sa Port na mag-aplay para sa Access Control Card sa pamamagitan ng pag-log in sa www.dublinport.ie/dublinportpass/ at pag-click sa MAG-APLAY NGAYON
Anong mga detalye ang kailangan ko para mag-aplay ng Access Control Card?
Kailangan mong kumpletuhin ang lahat ng naaangkop na detalye sa aplikasyon para sa access control card kagaya ng Pangalan, Address, Email at iba pa. Kailangan mo ring mag-upload ng digital na larawan nang sinusunod ang mga panuntunan – gagamitin ang larawang ito sa iyong access control card upang kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan.
Gaano katagal na valid ang Dublin Port Pass Induction at Access Control Card?
Magiging mandatoryong kinakailangan para sa mga may hawak ng Dublin Port Pass na ulitin ang pagsasanay at i-renew ang kanilang access control card kada apat na taon. Makakatanggap ka ng email na nagpapayo sa iyo kapag kailangan mong i-renew ang iyong Dublin Port
Magkano ito?
Walang babayaran para kumpletuhin ang dalawang-hakbang na prosesong pangkaligtasan at pangseguridad; gayunpaman may sisingilin na €20 para sa kapalit na mga access control card.
Paano naman ang mga “minsan lang na bisita” sa Lugar na Ginagamit ng Marami isa Dublin Port?
Sinumang pumapasok sa Lugar na Ginagamit ng Marami sa Dublin Port ay dapat may valid na dahilan para dito at mangangailangan ng valid na Dublin Port Pass at Access Control Card. Walang mga eksepsiyon. Sinumang matutuklasan sa Lugar na Ginagamit ng Marami na walang valid na Dublin Port Pass at Access Control Card ay paaalisin ng Dublin Port Harbour Police / Port Security.
Kailangan ko bang dalhin / ipakita / i-display ang aking Access Control Card kapag pumapasok sa Lugar na Ginagamit ng Marami?
Oo, sinumang pumapasok sa Lugar na Ginagamit ng Marami ay kailangang dala-dala nila sa lahat ng oras ang kanilang Access Control Card.
Ano ang mangyayari kung wala akong Dublin Port Pass / Access Control Card?
Walang Pass – Hindi Puwedeng Pumasok – Walang Eksepsiyon. Kung hindi mo nakumpleto ang Dalawang Hakbang na proseso sa kaligtasan at seguridad kailangang mong mag-log on sa www.dublinport.ie/dublinportpass/ at kumpletuhin ang proseso.
Kailangan ba ng iba pang hinihigpitang lugar sa Dublin Port ang Dublin Port Pass / Access Control Card?
Oo. Ang Dalawang Hakbang na proseso sa kaligtasan at seguridad ay ipatutupad sa mga iba pang lugar sa Dublin Port kung saan hinihigpitan ang access, halimbawa ang Oil Zone.
Kailangan ko ng access sa Oil Zone ng Dublin Port sa Breakwater Road para sa mga layunin ng trabaho. Paano ko kukumpletuhin ang Dalawang-Hakbang na Proseso ng Dublin Port Pass para sa lugar na ito?
Lahat ng manggagawa sa Port at mga kontratista na nangangailangan ng access sa Oil Zone ay kailangang kumpletuhin ang Dublin Port Pass para sa Oil Zone. Direktang nakikipagtulungan ang Dublin Port Company sa iba't ibang kompanya ng langis at pagmementena na nangangailangan ng access sa lugar na ito araw-araw at nagbigay ng mga naaangkop na detalye.
Ang mga hindi regular na bisita sa Oil Zone ay dapat makipag-ugnayan sa naka-duty na Fire Warden sa pamamagitan ng pagpindot sa intercom sa gate pagkarating sa lugar.
P: 01 855 9010
E: oilzoneportpass@dublinport.ieAko ay isang Mandaragat na regular na bumibisita sa Dublin Port. Kailangan ko bang kumpletuhin ang Dublin Port Pass?
Bilang bahagi ng programa ng Dublin Port Pass mandatoryong iniaatas para sa kalusugan at kaligtasan at seguridad para sa lahat ng Mandaragat na pumapasok / lumalabas sa Lugar na Ginagamit ng Marami at sa Oil Zone na kumpletuhin ang isa sa dalawang opsyon:
1.3.1 Ang regular na pagtawag sa mga Seafarer sa Dublin Port - sa mga sasakyang pandagat na bumibisita nang higit sa isang beses bawat taon ng kalendaryo - ay dapat kumpletuhin ang buong Two-Step Dublin Port Pass induction at proseso ng aplikasyon ng access control card.
1.3.2 Ang hindi regular na pagtawag sa mga Seafarer sa Dublin Port – na bumibisita sa mga sasakyang-dagat na wala pang isang beses sa isang taon ng kalendaryo – ay karapat-dapat na kumpletuhin ang Gabay sa Kaligtasan ng mga Seafarer upang makakuha ng pansamantalang Shore Pass.
Available ang Temporary Shore Pass sa: https://www.dublinport.ie//dublinportpass/seafarers-safety-guide/